Lumalaban na lamang para sa final placing, muling ginapi kahapon ng Arellano University (AU) ang University of Perpetual Help, 92-85, sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 90 juniors basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Naiwanan ng 5 puntos sa halftime, 36-41, nakuha pang dumikit ng Altalettes sa third period, 61-62, makaraang ma-outscore ang Baby Chiefs, 25-21, sa pangunguna ni Raphael Chavez.

Isinalansan ni Chavez ang 11 at 10 puntos para sa kanyang personal best na 32 puntos sa second at third periods upang pamunuan ang nasabing pakikipagsabayan ng Altalettes.

Ngunit pagdating sa final canto, dito naman nag-init si Guilmar dela Torre at nagtala ng 12 puntos sa kanyang ipinosteng 32 puntos para ganap na tapusin ang hangad na pagbawi ng Altalettes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil sa panalo, umangat ang Arellano sa barahang 4-6 (panalo-talo) habang bumagsak naman ang Perpetual sa kartadang 3-8.