BINMALEY, Pangasinan - Nababahala ang ilang magsasaka sa lalawigan dahil sa Rice Blast dulot ng fungus na Pyricularia oryae, na nagbubunsod para manilaw hanggang mag-reddish brown ang tanim hanggang sa tuluyang mabulok ang palay dahil sa pagkababad sa baha.

Napag-alaman na ilang maliliit na sakahan ang naaapektuhan nito sa Sitio Caalit sa Barangay Gayaman, Binmaley.

Perhuwisyo ang dulot nito sa kabuhayan, ayon sa mga magsasaka.

Nauna nang naiulat na ilang ektarya ng palayan sa Calasiao kaya naman aburido ang mga magsasaka.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isa sa itinuturing na sanhi ng Rice Blast ang pagkakababad ng palayan sa baha.

Kaugnay nito, humihingi ng tulong sa Department of Agriculture (DA) ang maliliit na magsasaka para sa kanilang kabuhayan sa harap ng nasabing problema. -

Liezle Basa Iñigo