Umalis kahapon ang Philippine Army Dragon Boat Team para lumahok sa 9th IDBF Club Crew World Championships na idaraos sa Ravenna, Italy sa Setyembre 3-7.

Sa kanilang pagsabak sa kumpetisyon, iaalay ng koponan ang kanilang mga karera sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na nagsisilbi bilang United Nations peacekeepers sa Golan Heights.

Ayon kay Lt. Col. Harold M. Cabunoc, pinuno ng award-winning dragon boat team, nalungkot ang soldier-athletes nang mabalitaan ang nangyaring standoff sa Syria sa pagitan ng Philippine peacekeepers at mga rebelde kamakailan. Mabuti na lamang daw at ligtas na ang kalagayan ng kanilang mga kapwa sundalo ngayon.

“Our soldiers have batchmates and friends who are among those who battled the rebels yesterday last August 30,” ani Cabunoc. “We will dedicate our games to our soldiers and their families. Our thoughts are with them too!”

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi pa ni Cabunoc, tulad ng Philippine peacekeepers, ang Army Dragon Boat Team ay survivor din ng mga mabibigat na pagsubok patungo sa kanilang paglahok sa prestihiyosong world championship arena.

“Throughout our written history, Filipino soldiers had been know known to be great fighters with indomitable spirit. Like our brothers who are serving in the UN, we will survive all these trials that we are facing,” saad ni Cabunoc.

Bagamat ga-bundok na logistical requirements ang kinailangan nilang malampasan upang makasali lamang sa torneo, bunga na rin ng kakulangan sa mga isponsor, nangako ang koponan na gagawin nila ang lahat upang masungkit ang mga gintong medalya para sa bayan.