KUMALAT sa social media ang mga hubo’t hubad na litrato ng maraming sikat na Hollywood celebrity, kabilang ang Oscar-winner na si Jennifer Lawrence at ang pop star na si Rihanna, sa isang malawakang hacking leak, ayon sa US media.

“It’s so weird and hard how people take your privacy away from you,” tweet ni Jennifer noong Linggo.

Nangako naman ang agent ng aktres na gagawa ng legal na hakbang hinggil sa nangyari.

“This is a flagrant violation of privacy. The authorities have been contacted and will prosecute anyone who posts the stolen photos of Jennifer Lawrence,” sabi ng kinatawan ni Jennifer sa TMZ entertainment website.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Linggo ng umaga nang nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa mga litrato, sa gitna ng mga balita na ang mga larawan ay nakuha sa pamamagitan ng pag-hack sa iCloud accounts ng mga celebrity, base sa ulat ng Mashable at ng iba pang media outlet.

Kabilang sa mga artista na hinihinalang ninakawan ng mga litrato at ikinalat online sina Avril Lavigne, Amber Heard, Gabrielle Union, Hayden Panettiere, at Hope Solo, ayon sa Mashable.

Binanggit din sa ilang reports na nabiktima rin sina Hillary Duff, Jenny McCarthy, Kaley Cuoco, Kate Upton, Kate Bosworth, Keke Palmer, at Kim Kardashian.

Sinabi naman ng dating Nickelodeon star at singer na si Victoria Justice na peke ang mga larawang nagpapakita sa hubad niyang katawan.

“These so called nudes of me are FAKE people. Let me nip this in the bud right now. *pun intended*,” tweet ni Victoria.

Sinabi rin ng tagapagsalita ng aktres at pop star na si Ariana Grande sa BuzzFeed na “completely fake” din ang mga larawan ng singer.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang horror movie actress na si Mary Elizabeth Winstead, na kabilang sa mga nabiktima.

“To those of you looking at photos I took with my husband years ago in the privacy of our home, hope you feel great about yourselves,” tweet ni Mary Elizabeth.

“Knowing those photos were deleted long ago, I can only imagine the creepy effort that went into this. Feeling for everyone who got hacked,” dagdag pa niya.

Agencé France-Presse