Kapwa nagwagi sina Philippine Air Force (PAF) Airman Anthony Nerza at Philippine Army (PA) Private Janice Tawagin sa men’s at women’s division ng 21km run sa elimination leg sa Lucena upang mapasama sa 50 runners na naghahangad makipaggitgitan sa National Finals ng 38th National MILO Marathon.

Mahigit sa 10,000 runners ang sumabak sa elimination leg kung saan ay kinubra nina Nerza at Tawagin ang cash prize na P10,000, magarang tropeo at pinakaaasam na silya sa National Finals sa Disyembre 7 kung saan ay makokoronahan ang tatanghaling MILO Marathon King at Queen.

Karagdagang insentibo din ang nakaantabay sa tatanghaling 2014 Marathon King and Queen kung saan ay ipadadala ng nag-oorganisang MILO ang magwawagi upang sumabak sa 2015 Tokyo Marathon sa Japan.

Itinala ni Nerza ang kabuuang 01:12:12 oras upang biguin ang tinatarget ni Richard Salaño, nakipaggitgitan nang husto subalit kinapos sa finish line sa naiposte nitong 01:12:39 oras. Pumangatlo si Elmer Sabal sa oras na 01:16:07.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpasalamat naman ang 25-anyos na Davaoeño, nanunuluyan na sa Pasig, sa pagwawagi sa karera.

“Malalakas din ang kalaban ko dahil napag-iwanan ako sa unang 100 meters. Akala ko hindi ko na sila aabutin pero salamat at kinapos sila kaya nanalo ako,” pagmamalaki ni Nerza. “Kailangan ko pa ng training lalulng-lalo na sa National Finals.”

Wala namang hamong nangyari sa kababaihan kung saan ay isinumite ni Tawagin ang 01:29:59 oras upang biguin sina Jeany Rose Hari (01:44:57) at Rose Ann Valencia (02:03:01).

Ang 23-anyos na si Tawagin, mula mismo sa Lucena, ay naging masaya lalo pa ang kanyang panalo ay naganap sa kanyang lalawigan.

“I’m always proud to race in my hometown. I’m glad that the route was well-balanced. I was able to manage my time and pace well,” pahayag ni Tawagin. “The other contenders are also very good runners, and I’m sure that the competition will even be fiercer in the National Finals. I’ve been using my training for the AFP Olympics to help me prepare for the MILO Marathon. My everyday routine comprises of 5K runs and an extra two hours of training for endurance. My strategy for the finals needs to be adjusted because it’s a 42K event. Strength, endurance and discipline will be the areas I will focus on.”

Sina Nerza at Tawagin ay sumali na sa National MILO Marathon sa nakalipas na apat na taon kung saan ay napagwagian nila ang regional legs at makuwalipika sa National Finals.

“Anthony and Janice are only two of our many unsung heroes from the Armed Forces of the Philippines. We are proud to say that we are able to engage our local heroes to participate in the MILO Marathon each year,” pagmamalaki naman ni Andrew Neri, ang MILO Sports Marketing Manager.

“We at MILO are delighted to honor their passion and devotion in serving the country, as well as their dedication to sports and athleticism. They are truly admirable champions who serve as inspirational models to all,” sinabi pa nito.

Kasama ang Department of Education (DepEd) at National MILO Marathon runners, ang MILO Help Gives Shoes advocacy ay magbibigay ng 16,000 sa underprivileged youth ng bagong running shoes sa asam na makamit na makalap ang 50,000 bata ngayong taon.

Bilang bahagi sa selebrasyon ng ika-50 taon ng MILO, hangad ng Help Give Shoes na makapagbigay ng donasyon sa mga estudyante na naapektuhan ng bagyong ‘Yolanda,’ partikular sa Tacloban, Ormoc at Eastern Samar.