Charlie-and-the-Chocolate-Factory-copy-422x650

LONDON (AP) — Isang unused chapter ng Charlie and the Chocolate Factory ang inilabas — 50 taon matapos unang ilathala ang pinakamamahal na children’s novel ni Roald Dahl.

Sa fifth chapter, mula sa 1961 draft, ay inilalarawan ang isang extra room sa pabrika na tinatawag na “Vanilla Fudge Room,” na nagtatampok ng isang “colossal jagged mountain” na gawa sa fudge. Tampok din sa draft ang mas maraming bata, at nagpapakitang si Charlie ay orihinal na nagtungo sa pabrika kasama ang kanyang ina, at hindi ang kanyang lolo.

Ang chapter ay inilathala sa Guardian newspaper noong Sabado sa pahintulot ng Roald Dahl Nominee Ltd., ang organisasyon na namamahala sa kanyang legacy.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang libro, na naglalaman ng mga pakikipagsapalaran ng batang si Charlie Bucket sa loob ng chocolate factory ni Willy Wonka, ay bumenta ng milyun-milyong kopya at naging inspirasyon ng ilang film versions at isang West End musical.