Nananatiling nasa tamang landas ang tinatahak ng Centro Escolar University (CEU) patungo sa tinatarget na ikaapat na sunod na kampeonato makaraang walisin ang senior basketball eliminations ng 45th WNCAA.

Tinalo ng CEU ang Rizal Technological University (RTU), 83-62, sa larong idinaos sa Rizal Memorial Coliseum para makamit ang kanilang ikaanim na dikit na panalo at gayundin ang unang slot sa semifinal round na magsisimula sa Setyembre 7.

Sa pagwalis sa lahat ng laro nila sa eliminations, nakamit din ng Lady Scorpions ang bentaheng twice-to-beat kontra sa No. 4 team Philippine Women’s University (PWU) sa cross-over semis.

Dahil sa pagkabigo, pumangalawa lamang ang RTU na tumapos na may 5-1 (panalo-talo) baraha at makakatunggali nito ang No. 3 team na San Beda College (SBC) Alabang (4-2) sa isang knockout match para sa isa pang finals seat.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Naiposte naman ng 3-time defending midgets champion De La Salle Zobel ang kanilang ikaapat na sunod na panalo kung saan ay winalis nila ang unang round matapos dominahin ang St. Stephen’s High School, 48-19, habang nanatili namang walang talo ang host La Salle College Antipolo matapos ang tatlong laro sa Junior A nang gapiin ang Miriam College, 65-40.