WILL you marry me?” - Iyan ang pinakamahalagang itinatanong ng isang lalaki sa gusto na niyang pakasalang kasintahan. At siyempre, iisa lang naman ang inaasahan nating isasagot: “Yes!”

Sa kasalukuyan ay ‘tila nauuna ang ganyang tagpo o sitwasyon. Kamakailan, sa programa sa telebisyon ni Marian Rivera ay ginulantang siya ni Dingdong Dantes na kasintahan niya nang lumuhod ito sa kanyang harapan sabay alay ng isang mamahaling singsing at tanong na, “Will you marry me?”. Bagamat inaasahan, siyempre pang kinilig si Marian. Sino ba naman ang hindi kikiligin kahit na hindi maginaw kapag itinanong sa iyo ito ng iyong boyfriend na kung may ilang taon na kayong relasyon?

Ito ay sinundan ni Sen. Chiz Escudero nang itanong naman niya ang tanong ding iyan sa kanya namang kasintahan na si Heart Evagelista. Scripted din ang pangyayari. Kunwa’y may salu-salo raw na idaraos sa tahanan ng mga Escudero kaya inimbitahan ang malalapit na kaibigan ni Heart saka biglang lumuhod sa harap niya ang Senador sabay tanong ng “Will you marry me” at alay ng singsing. Siyempre, ano pa nga ba ang inaasahan nating isasagot din kung hindi “Yes na yes!”

Sa hirap ng buhay ngayon, ang ganyang mga sitwasyon o tagpo ay hindi na sana dapat na bagay ng MAGKASINTAHAN. Pero dahil sa hirap ng buhay ng maraming PINOY, iyan ay paraan din para malimutan natin kahit na sandali na madalas palang hindi tayo lumalamon. Nakasisiya sa atin sapagkat ang mga iyan ay mga artista at kilalang pulitiko. Pero sa mga artista, ang ganyang sitwasyon ay hindi naman binibigyan na ng importansiya ng marami. Sapagkat dati na silang nakakasaksi ng higit pa riyan na nagwawakas lamang sa wala!

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang kasal na lamang, si Ms. Nora Aunor at ng nagpakasal sa kanyang artista rin ay talagang bongga. Sa dagat pa idinaos ang seremonya, pero wala ring nangyari. Hiwalay rin. Mayroong nagpapakasal sa swimming pool, mayroong sa garden, mayroong sa mararangyang hotel at mayroon pang sa abroad pero pagkaraan lamang ng ilang taon, warat din ang pagsasama. Kapwa rin naghahanap ng iba-ibang pugad.

Ang pag-aasawa maging ng mga artistang Pinoy. Kailangang maging matapat sa isa’t isa at ituring na sagrado ang kasal at hindi parang laruan na kapag nagsawa ay itatapon.

“Will you marry me?” Huwag na, live-in na lang tayo.