Nagbabanta na namang pumasok ng Philippine area of responsibility (PAR) ang isa pang low pressure area (LPA) na namataan sa Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing LPA ay huling natukoy sa layong 1,550 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Sinabi ng PAGASA na magdudulot ito ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao sa susunod na mga araw.

Ang naunang LPA ay huling natukoy 500 kilometro sa kanluran ng Ambulong, Batangas.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Maaapektuhan din ng pag-ulan ang CARAGA, Davao, Northern Mindanao, Western Visayas at Palawan.

Gayunman, magkakaroon naman ng unti-unting pag-aliwalas ng panahon sa Metro Manila.