Setyembre 1, 1804 nang matuklasan ang Juno, isa sa pinakamalalaking pangunahing belt asteroids, ng German astronomer na si Karl Ludwig Harding. Ito ang ikatlong asteroid na nadiskubre sa solar system.
Nasipat ng astronomer ang asteroid sa isang simpleng five-centimeter telescope aperture.
Ang Juno ay nasa isang porsiyento ng kabuuang sukat ng asteroid belt, at itinuturing na ikalawa sa pinakamalaki kasunod ng 15 Eunomia. Isa rin ang Juno sa mga pangunahing asteroid na ginamit bilang birth charts, kasama ng Ceres, Vesta at Pallas Athena.
Ipinangalan ito sa asawa ng Jupiter at tinawag na “The Asteroid of Soulmates.”
Ito ay may diyametrong aabot sa 240 kilometro, at nakukumpleto ang rotation sa loob ng 7.210 oras. Nalilibot nito ang buong orbit nang eksaktong 4.36 na taon.
Ang dalawang unang asteroid na natuklasan ay ang Ceres at Pallas, noong 1801 at 1802, ayon sa pagkakasunod.