NEW YORK (AP)— Hinahabol ang kanyang ikatlong sunod na titulo sa U.S. Open, umusad si Serena Williams sa fourth round nang talunin si 52nd-ranked Varvara Lepchenko, 6-3, 6-3, kahapon.
Pawang Americans ang nakaharap ng No. 1-ranked at No.1-seeded na si Williams sa kanyang unang tatlong laban habang pinalawig ang kanyang winning streak sa Flushing Meadows sa 17.
Nahirapan si Williams dahil sa malakas na hangin sa Arthur Ashe Stadium, ngunit nakuha rin ang kanyang ritmo upang makontrol si Lepchenko, ang kanyang 2012 Olympic teammate at paminsan-minsang practice partner.
Si Williams, isang 17-time Grand Slam singles champion, ay umaasang hindi na maulit ang nangyari sa kanya noong 2006 season na hindi nakaabot sa final ng kahit anong major.
Siya ay natalo sa fourth round ng Australian Open, ikalawang round ng French Open, at third round ng Wimbledon.