Mabibiyayaan ng libreng basketball clinic ang mga kabataan sa loob ng Boys Town sa gaganaping Asian Basketball Showdown (ABS) na tatampukan ng salpukan ng LG Sakers ng Korean Basketball League (KBL) at Barangay Ginebra San Miguel ng Philippine Basketball Association (PBA).

Sa tulong ng LG Electronics, bubuhayin ng LG Sakers at Barangay Ginebra ang pagiging magkaribal ng Pilipinas at Korea sa internasyonal na torneo, partikular na sa FIBA Asian Championships sa isang araw na labanan na asam makatulong sa mga kabataan na nasa Boys Town.

Bibitbitin ng nag-oorganisang LG, sa kooperasyon din ng KBL at PBA, ang isa sa nangungunang koponan sa South Korea na Changwon LG Sakers na makakatapat naman ang pinakapaboritong koponan sa bansa na Barangay Ginebra.

Lalarga ang Asian Basketball Showdown sa Setyembre 9 kung saan ay magtatagpo sila sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ilang beses ding nagkampeon sa South Korea ang LG Sakers at isa sa pinakamaraming taga-suporta sa walo sa 10 taon nilang pagsali sa KBL. Ang koponan ay suportado ng LG Electronics na may headquarter sa City of Changwon sa Gyeongsang.

Masusubok ang popularidad ng LG Sakers sa pagsagupa sa isa sa pioneer team sa kasaysayan ng PBA na Ginebra.

“This is history in the making. We are treating Filipinos to a one-of-a-kind opportunity to witness first hand the excitement of watching Korean and Filipino cagers clash at the hard court,” sinabi ni LG Electronics Philippines managing director Mr. Sung Woo Nam.