Danica & Marc Pingris

Ni MERCY LEJARDE

TUMULAK patungong Spain sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag, para suportahan ang kanilang asawa sa FIBA World Cup

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umalis noong Martes ang muses ng Gilas Pilipinas players na sina Marc Pingris at Jimmy Alapag para personal na suportahan ang laban ng kani-kaniyang asawa sa Gilas Pilipinas team sa pinakaaabangang 2014 FIBA World Cup. Nagsimula na kasi noong Sabado ang pinakamalaking basketball tournament sa mundo, ang muling pagsali ng Pilipinas after a 40-year absence.

Ayon kay Danica, malaking sakripisyo para sa kanilang lahat, kasama na rin ang pamilya ng iba pang Gilas Pilipinas players, dahil Hulyo 25 pa umalis ang national team para paghandaang maigi ang laban ng Pilipinas sa prestihiyosong torneo.

LJ & Jimmy copy

“Mahirap talaga. ‘Yung adjustment period pa lang nila sa oras, mahirap na, at ‘yung training mismo rin. Akala ng iba puro saya at sarap kasi nasa ibang bansa sila, what they don’t know is ‘yung hirap na hinaraharap nila.”

Maganda ang payo ni Danica para sa kanyang mister na si Marc.

“Kapag naho-homesick siya, sinasabi ko lang na treasure every moment that you have kasi hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance na i-represent ang bansa para sa World Cup. ‘Yung mga nakikita mong mga lugar, mga bansang nabibisita mo, even your time with your teammates — i-treasure mo ‘yan,” kuwento ni Danica.

Ibayong hirap at sakripisyo ang pinagdadaanan ng bawat isa sa Gilas Pilipinas players, kaya nararapat lamang na ipadama ng buong bansa ang suporta para sa sports heroes na ito ng Pilipinas.

Buong bayan ang tiyak na magdarasal at tututok sa unang pagsabak ng national basketball team ng Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup sa Spain. Live na mapapanood sa TV5 ang lahat ng Gilas Pilipinas games sa sa FIBA World Cup, na nagsimula agad noong Sabado laban sa Croatia.