CABUGAO, Ilocos Sur – Planong pagdugtungin ang sikat na Cabugao Salomague Port at ang Vigan City Airport para mas mapag-ibayo ang ekonomiya at turismo sa Ilocos Sur.

Ayon kay Vice Gov. Deogracias Victor “DV” Savellano, umaabot sa 1,109 ektarya ang sakop ng Barangay Salomague.

Ang Cabugao Salomague Port ay nagsisilbi ngayong transhipment ng mga kalakal at produkto patungong Taiwan at nagsisilbi rin na bagsakan ng mga commercial fishing vessel.

Kaugnay nito, nanawagan si Gov. Ryan Singson sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na paglaanan ng pondo ang naturang proyekto para sa paglago ng turismo at pag-unlad ng probinsiya. - Wilfredo Berganio

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists