BALER, Aurora – May biyahe na mula Metro Manila patungong Baler SkyJet Airlines.

Ang biyahe ay tatlong beses kada linggo o tuwing Linggo, Miyerkules, at Biyernes.

Ayon sa pangulo ng kumpanya na si Dino Reyes-Chua, layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang mga taga-Metro Manila at mula sa iba pang panig ng bansa na makita ang ganda ng Aurora, na tinaguriang surfing haven, nang hindi na kailangang magtiis sa anim hanggang walong oras na biyahe.

Tuwing 2:00 ng hapon ang alis nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 at lalapag sa Angara Airport bandang 2:30 ng hapon.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Inaasahang magdaragdag pa ito ng flights kapag lumaki ang demand para rito.