Hinablot ng Philippine Dragonboat Team ng limang gintong medalya patungo sa ginaganap na International Canoe Federation (ICF) Dragonboat World Championships sa Pozna, Poland.

Winalis ng Filipino paddlers ang lahat ng apat na events noong Sabado sa 200 meter distance, 20-seater men, 10-seater men, juniors at 10 seater mixed upang hablutin ang pinakamaraming gintong iniuwi sa loob ng isang araw na kampanya.

Una nang nagwagi ang koponan, binubuo ng paddlers na mula sa Laguna at Taytay, Rizal, sa 10-seater juniors 500-meters event.

Nakapag-uwi din ang bansa ng tatlong pilak sa 500 meter 20-seater men, 10-seater mixed at 10-seater men events.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakatakda pang sumagupa ang mga Pinoy kagabi sa 2,000 meter na 20-seater men, 10-seater men, 10-seater juniors and 10 seater mixed team.

Asam ng Pilipinas na malampasan ang 6 ginto at 1 pilak na nakamit nila noong 2012 World Championships sa Italy.