CABANATUAN CITY - Mahigpit na tinututukan ng Department of Trade and Industry (DTI)-Nueva Ecija ang mga pamilihan at supermarket sa 27 bayan at limang lungsod sa probinsiya kasunod ng biglang pagtaas ng presyo ng gulay, manok at isda.

Inamin ni Brigida T. Pili, DTI-NE director, na tumaas nga ang presyo ng nasabing mga bilihin dahil sa sunud-sunod na kalamidad, na nagbunsod upang mapinsala ang maraming gulayan at palaisdaan, matapos na tumaas din ang presyo ng gulay sa iba’t ibang Bagsakan Center sa lalawigan.

Sinabi ni Pili na umabot ng hanggang 10 porsiyento kada kilo o bawat tali ang itinaas ng presyo ng gulay, tulad ng repolyo, carrots, sayote, cauliflower, broccoli, Baguio beans, petchay, talong, kamatis, ampalaya, sitaw, kalabasa at iba pa.

Pahirapan din ang panghuhuli ng mga mangingisda kaya kumaunti ang supply, bukod pa sa tumaas ang presyo ng petrolyo at singil sa toll fee. - Light A. Nolasco
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente