HINDI pusa si Hello Kitty. Ito ang iginiit noong Huwebes ng kumpanyang nasa likod ng global icon of cute ng Japan, sa gitna ng hindi matigil-tigil na protesta at debate ng mga Internet user na nangangatwirang, “But she’s got whiskers!”

Ang moon-faced creation, na nagsilbing disenyo sa halos lahat ng bagay, mula sa mga pencil case hanggang sa kotse sa iba’t ibang panig ng mundo, ay isang tao.

“Hello Kitty is a cheerful and happy little girl with a heart of gold,” saad sa website Sanrio, ang brand owner nito.

Nabunyag ang nakagugulat na rebelasyon nang hilingin ng isang researcher na nakabase sa Hawaii at espesyalista sa epitome ng “kawaii” (“cute” sa Japanese) sa Sanrio para sa fact-check ng mga caption para sa exhibit na inihahanda niya kaugnay ng ika-40 anibersaryo ni Hello Kitty.

National

DOH, nakapagtala ng 284 aksidente ngayong Kapaskuhan; mas mataas kaysa 2023

Sinabi ni Christine Yano, isang anthropologist mula sa University of Hawaii, sa Los Angeles Times na siya “was corrected — very firmly” ng Sanrio na si Kitty ay hindi pusa.

“That’s one correction Sanrio made for my script for the show,” saad sa ulat ng Los Angeles Times tungkol sa panayam kay Yano. “Hello Kitty is not a cat. She’s a cartoon character. She is a little girl. She is a friend. But she is not a cat. She’s never depicted on all fours. She walks and sits like a two-legged creature.”

At napatunayan ito nang mismong ang Agencé France-Press (AFP) na ang nagkumpirma sa status — pusa man o tao — ng isa sa pinakasikat na exports ng Japan tungkol sa non-cat identity nito.

“It is a 100-percent personified character,” sabi ng tagapagsalita ng Sanrio sa AFP sa Tokyo. “The design takes the motif of a cat, but there is no element of a cat in Hello Kitty’s setting.”

Paliwanag ng Sanrio, Kitty White ang tunay na pangalan ni Hello Kitty. Isinilang siya sa katimugang England noong Nobyembre 1, 1974. Siya ay may zodiac sign na Scorpio at may blood type A.

May kakambal siyang babae, si Minny White, at ang mga magulang nila ay sina George at Mary, ayon sa kanyang profile sa web. At may alaga siya, isang “totoong” pusa, na si Charmmy Kitty.

Gulat na gulat naman ang web users sa nasabing balita, na halos isang linggo nang pinag-uusapan sa iba’t ibang dako ng mundo.

“Hello Kitty is not actually a cat. MIND BLOWN,” tweet ni @killedbydying.

“‘Sanrio confirms that Hello Kitty is NOT a cat.’ One of the many reasons why I have trust issues,” sulat naman ni @eisakuivan.

“So Hello Kitty isn’t a cat? Everything I know is a lie,” tweet ni @nymbc.

Nang tanungin tungkol sa reaksiyon ng mundo sa nakagugulat na rebelasyon na hindi pusa si Hello Kitty, ang sabi ng tagapagsalita ng Sanrio: “I don’t think anyone in Japan found it surprising.”

“There is an explanation we have made the whole time, and I think that’s how people have understood it.” - Agencé France-Presse