GAZA CITY, Gaza Strip (AP) – Sinabi ng isang pandaigdigang organisasyon na sumusuri sa rehabilitasyon ng mga lugar ng digmaan na aabutin ng 20 taon bago maibalik sa dati ang Gaza City na nawasak sa giyera ng Hamas at Israel.
Binigyang-diin ng Shelter Cluster, na pinangangasiwaan ng United Nations refugee agency at ng Red Cross, ang pagiging komplikado ng kabuuang reconstruction program para sa Gaza Strip, na tinaya ng ilang Palestinian official na aabot sa mahigit $6 billion.
Mahahadlangan din ang rekonstruksiyon dahil ipinagbabawal ng Egypt at Israel ang pagpapasok ng construction materials sa lungsod simula nang maluklok sa kapangyarihan ang Hamas noong 2007.