Pangungunahan nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia at Bacolod City Mayor Monico Puentevella ang pagsasagawa ng family-oriented sports and health program na PSC Laro’t-Saya PLAY N LEARN sa Setyembre 7 sa kaaya-aya, dinarayong pasyalan at bagong gawang Plaza sa probinsiya.

Sinabi ni Chairman Garcia na inihanda ng Bacolod ang isang espesyal na araw kung saan ay inimbitahan nito ang lahat ng sangay ng lokal na pamahalaan at maging ang mga opisyal at iba’t ibang organisasyon para makiisa sa programa ng PSC na inendorso ng Palasyo ng Malakanyang.

“They prepared a simple opening ceremony,” sinabi ni Garcia.

“Gusto kasi nila na ipaalam muna sa lahat ng kanilang government employees at local officials ang prograam kaya inimbitahan nila para malaman ang mga sports na ituturo tuwing weekend,” giit ni Garcia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ibinalita kahapon kay PSC coordinator Alona Quintos na 10 sports ang itatampok na ituro sa programa na unang hakbang para sa mga pamilyang Pinoy na libreng matutunan ang iba’t ibang sports at magkaroon ng masiglang pangangatawan ang bawat isa.

Ang sports na napagkasunduan nina Garcia at Puentevella ay ang aerobics, arnis, badminton, chess, football, karatedo, taichi, taekwondo, 3x3 basketball at volleyball.

Ang unang apat na pinagdausan ng PSC-POC LSP-PNL ay ang Luneta Park sa Maynila noong Pebrero 2012 tuwing Linggo, Quezon City Memorial Circle noong Hulyo 2014 tuwing Sabado, Aguinaldo Shrine sa Kawit City nitong Pebrero kada Sabado at Plaza Sugbo, Cebu City noong Agosto 15 tuwing Biyernes at Linggo.

Samantala, kahit bumuhos ang malakas na ulan, sanhi ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ), may 99-katao pa rin ang dumayo sa LSP sa Brgy. Kaingen sa Multi-Purpose Covered Court sa Kawit City kahapon ng umaga.

Ang mga nagpartisipa ay pinangunahan ni PSC area coordinator Christine Abellana at Kawit in-charge Jocelyn Samaniego kung saan ay pumalo sa 73 ang sumali sa aerobics, 11 sa volleyball, 9 sa badminton at 6 sa taekwondo.