Ni GENALYN D. KABILING

Kung kayang ibandera ng media ang mga “sensational crime” sa kanilang front page, umapela si Pangulong Benigno S. Aquino III sa mga mamamahayag na bigyan ng patas na pagtrato ang mga nagampanan ng gobyerno kontra krimen.

Pumalag ang Pangulo sa hindi pagbibigay ng magandang pagtrato sa mga balita hinggil sa matagumpay na operasyon ng awtoridad laban sa kriminalidad at karamihan sa mga anti-crime accomplishment ay nakatago sa loob na pahina.

“Kapag ‘yung mga sensational na krimen, front page. ‘Pag nahuli ho, nasa front page ba headline rin? ” tanong ni Aquino sa panayam ng Bombo Radyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, kung natatabunan ang mga success story laban sa kriminalidad sa inside page o ibang section ng mga dyaryo, sinabi ni Aquino na hindi makararating sa kaalaman ng publiko ang mga naresolbang krimen at naarestong salarin.

Ang tamang pagre-report sa media ng mga naarestong salarin ay makahihikayat sa iba pang testigo na lumantad at tumulong sa pagresolba sa mga kaso.

Samantala, muli na namang nagpahiwatig si PNoy na posibleng may high-profile fugitive na babagsak sa kamay ng awtoridad sa mga susunod na araw.

Kabilang sa mga high-profile suspect na naaresto kamakailan sina retired Army Major General Jovito Palparan at ang umano’y gunman at mastermind sa pagpatay sa international racing champion na si Enzo Pastor.