Ni MADEL SABATER NAMIT

MANILA, Philippines – Nilusob ng mga Syrian rebel, na may hostage na Fijian troops, ang mga Pinoy peacekeeper sa Golan Heights kahapon, ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Sinabi ni Gazmin sa mga mamamahayag sa Camp Aguinaldo, Quezon City na inilipat ng posisyon ang isang grupo ng mga sundalong Pinoy na nagmamando ng isang encampment ng United Nations habang ang iba pang tropang Pinoy ay nilusob ng mga rebeldeng Syrian.

Sinabi ni Gazmin na nagsimula ang pag-atake ng mga Syrian rebel sa posisyon ng Pinoy peacekeeper kahapon ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inihayag naman ng opisyal na wala pa silang natatanggap ng ulat na may nasugatan sa mga Pinoy peacekeeper subalit iginiit nito na nananatiling mataas ang moral ng mga sundalo.

Samantala, tiniyak ng isang opisyal ng Malacañang na mahigpit na sinusubaybayan ni Pangulong Aquino ang situwasyon sa Golan Heights.

“President Aquino is keeping a close watch on the situation of our Filipino peacekeepers in Golan Heights,” Deputy presidential spokesperson Abigail Valte said. “The President is being briefed round the clock.”

Ayon kay Valte, direkta ang komunikasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa UN Force Headquarters sa Golan Heights upang maresolba ng mapayapa ang sitwasyon.

Tinyak din ni Valte na may inihandang contingency plan ang gobyerno ng Pilipinas sakaling lumala ang sitwasyon sa lugar.

“Our men are holding their ground and we are all hoping that the tension will ease and that they will be brought home safely,” pahayag ni Valte.