CANBERRA, Australia (AP) – Kinondena kahapon ng foreign minister ng Australia ang pagkakabihag ng mga rebeldeng Syrian sa 44 na Fijian peacekeeper at nanawagan para sa pagpapalaya sa mga ito.

Una nang tiniyak ng United Nations na nagpapatuloy ang negosasyon nito para mapalaya ang mga peacekeeper mula sa Fiji, na ang kampo sa Golan Heights ay sinalakay ng may 150 armadong rebelde noong Agosto 28. Pinalibutan din ng mga rebelde ang dalawang kampo ng may 72 Pinoy peacekeeper na tumangging isuko ang kanilang mga armas at napaulat kahapon na inatake na rin.

“Australia condemns the detention... of 44 Fiji peacekeepers in the Golan Heights by armed groups,” saad sa pahayag ni Foreign Minister Julie Bishop. “As a member of the U.N. Security Council, Australia demands the unconditional and immediate release of all the detained United Nations peacekeepers.”
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente