Bahagi na ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating Rizal Gob. Ito Ynares, Jr. na maglunsad ng medical-dental mision at bloodletting. Ang libreng gamutan tuwing ika-26 ng Agosto ay sinimulan pa ni dating Gob. Ito Ynares, Jr. noong mayor pa siya ng Binangonan hanggang sa maging gobernador ng lalawigan ng Rizal. At kahit isa na siyang karaniwang mamamayan, hindi nalilimutan ni dating Rizal Gob. Ynares ang kanyang reach out program. Ang libreng gamutan at bloodletting ay ang handog ni dating Gob. Ynares sa mga taga-Binangonan na kanyang mga kababayan, pasasalamat at pagbahagi na rin ng kanyang mga blessing.

Ayon kay Gng. Mitz Colada, municipal administrator ng Binangonan, ang sabay na medical-dental mission at bloodletting ay ginawa Ynares Plaza. Sa medical ay umaabot sa 2,400 katao ang nagamot, 201 naman sa dental. Ang mga recipient ay nagmula sa mga barangay sa kabayanan at sa Talim Island. Bahagi rin ng libreng gamutan ang anti-rabies vaccination at reflexology. Sa bloodletting, umabot naman sa 598 katao na kasama pati mga pulis bilang mga blood donor sa Philippine Red Cross Rizal chapter. Ang Barangay Calumpang ang nanguna sa pagbibigay ng dugo na 124 ang donor. Pumangalawa ang Barangay Darnangan na 94 ang donor at pangatlo ang Barangay Calumpang na 44 ang donor. May premyong isang tricycle patrol sa nangunang barangay, 15 kabang bigas naman sa pangalawa at 10 kabang bigas sa pangatlong highest blood donor. Ang mga lumahok sa medical-dental mision at bloodletting ay ang mga medical team mula Philippine Blood Center, Binangonan Health Center sa pangunguna ni Dr. Angelito De la Cuesta; Provincial Health Office sa pangunguna ni Dr. Iluminado Victoria, sa mga ospital ng lalawigan. Sila’y matapat na pinasalamatan ni dating Rizal Gob. Ito Ynares.

Habang sabay na ginagawa ang libreng gamutan at blood letting, nagkaroon ng isang simpleng programa. Naging mga panauhina sina dating Rizal Congressman Dr. Bibit Duavit (Si Dr. Bibit Duavit ang katuwang ni dating Gob. Ito Ynares sa muling pagbangon ng Rizal matapos na agawin ang 12 maunlad na bayan sa Rizal at isinam sa Metro Manila
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon