Miguel Tanfelix

MALUNGKOT man si Direk Maryo J. delos Reyes, ang buong cast at production staff ng inspirational drama series na Niño, masaya naman silang magpapaalam dahil sila ang nakakakuha gabigabi ng pinakamataas na rating sa primetime slots, ayon sa AGB Nielsen household rating sa Mega Manila laban sa katapat nilang Hawak Kamay na balitang magpapaalam na rin at papalitan na ng Nathaniel na magtatampok kay Gerald Anderson with The Voice Kids champion, Lyca.

Napabalita na kaya raw wawakasan na sa September 12 ang drama series ni Miguel Tanfelix as Niño, ay dahil pupunta ng Amerika si Direk Maryo, kaya natanong siya noong farewell pocket presscon tungkol dito.

“Nagulat nga ako na iyon ang kumalat na balita,” natatawang sagot ni Direk Maryo. “Hindi totoo. Pupunta lamang ako sa States para samahan si Miguel na talent ko, dahil he’s only 15 years old, para sa ilang shows ng GMA Pinoy TV, na isa siya sa mga ni-request na makita roon. Napapanood daw nila ang Niño kaya gusto nilang makita nang personal si Miguel. Pero pagkatapos ng ilang shows niya roon with Tom Rodriguez, Carla Abellana, Betong Sumayao and Julie Anne San Jose, babalik na rin kami rito, marami pa akong gagawin dito at si Miguel ay nagtitaping din ng sitcom niyang Ismol Family.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aminado si Direk Maryo at sina Miguel, Angelu de Leon, Katrina Halili at Neil Ryan Sese na nalungkot sila nang malaman nilang hanggang September 12 na lamang sila at sa September 10 ang last taping day nila.

“Nag-expect kasi kami na dahil maganda ang rating, at sinusubaybayan ng mga manonood gabi-gabi dahil sa good values na nakukuha sa story ng Niño, na aabot kami ng December,” sabi ni Neil Ryan. “Pero okey lang, kasi agaganda naman ang experiences namin habang nagt i-taping kami. Para kaming isang buong family, at hindi namin malilimutan iyon. Siguro, sa isang soap, muli kaming magkakasama-sama.”

“Ako naman, desidido na akong magpapayat bilang si Naynay Leny at suportado ako ni Mama Hannah, si Katrina Halili, para sa Niño,” natatawang wika naman ni Angelu. “Pero okey lang, maganda ang bonding namin ng buong cast, at nag-enjoy akong mag-taping sa Pagsanjan at Liliw, Laguna, dahil mababait ang mga tao at parang hindi nagmamadali ang oras doon.”

First time ni Katrina na gumanap na may anak na as old na ni Niño, 15, at payag ba siyang muling gumanap ng mother role sa susunod niyang soap?

“Sabi ni Direk Maryo, sa susunod daw, five-year old na lang ang magiging anak ko, ayaw din muna ni Direk Maryo na bumalik ako sa pagiging kontrabida, masarap pala na maging mabait ang role, walang stress,” sey ni Katrina.

Si Miguel naman na nanggaling pa sa Calamba, Laguna, ipinakita ang pagiging propesyonal niya nang mag-isang sumakay ng MRT from Magallanes to GMA para lamang hindi ma-late sa presscon. Natuwa siya na lahat ng nakakilala sa kanya ay Niño ang tawag sa kanya. Thankful siya sa isang pasaherong babae na tinulungan siya sa pagsakay at pagbaba sa MRT dahil first time lamang niya iyon. Para daw siyang guided ni Sto. Niño na may tumulong sa kanya kung paano makakarating sa GMA Network.

Samantala, nauunawaan ni Direk Maryo ang desisyon ng management, na habang nasa itaas pa ay tapusin na ang drama series na aabot din ng original schedule na sixteen weeks, kaysa naman i-extend ‘tapos pagsawaan na ng mga manonood dahil lumaylay na ang istorya.

Aniya, marami pang madamdaming tagpo na mapapanood sa Niño, lalo na iyong pag-alis na niya sa mga magulang na nagpalaki sa kanya para lumipat na sa tunay niyang ina. May mahihirap ding eksenang pagdaraanan si Niño dahil gusto ni Lucio (Jay Manalo) na mamatay siya para makamkam nio ang yaman ng pamilya Sagrado. Napapanood ang Niño gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.