Ni CARLO SUERTE FELIPE

Pinapurihan ng grupong Train Raiders Network (TREN) ang pagsakay ni Senator Grace Poe sa Metro Rail Transit (MRT) sa gitna ng rush hour sa North Avenue hanggang Taft Avenue station noong Biyernes ng umaga.

“Her actions were more sincere than that of (Transportation Secretary Emilio) Abaya, who was still assisted by some security personnel na humahawi sa ibang pasahero. His actions show that there is a distance between him and daily passengers,” ayon sa tagapagsalita ng TREN na si James Relativo.

Matatandaan na sumakay si Abaya ng MRT dakong 1:00 noong Huwebes ng hapon mula Ortigas Avenue hanggang North Avenue na, ayon sa TREN, ay hindi peak hour. Habang si Poe ay pumila ng halos 40 minuto bago nakasakay sa North Avenue station dakong 8:20 noong Biyernes ng umaga at kinumpleto ang buong linya ng MRT hanggang Taft Avenue noong Biyernes.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Sen. Grace Poe even took note of the experiences she encountered like the broken ticketing machines, the long lines, non-working escalators and elevators, and even when the turnstile ate up her ticket. She didn’t even brought any security with her so mas faithful yung ginawa niya towards passengers,” pahayag ni Relativo.

Kabilang ang TREN sa mga grupo ng mga pasahero na inimbitahan ni Poe sa isasagawang pagdinig sa serye ng aberya ng MRT sa Senado bukas.