Libu-libong puno ang itinanim kahapon ng mga broadcaster sa iba’t ibang dako ng bansa sa regreening programng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Tinguriang ng “Oplan Broadcastreeing,” ang simultaneous tree-planting activity ay isinagawa sa 30 lugar sa bansa.

Pinangunahan ng KBP national office ang pagtatanim ng mga puno sa Barangay San Ysiro, Antipolo, Rizal.

Nabatid na ikaanim na taon na ang nasabing proyekto ng KBP kung saan nasa 500,000 puno na ang naitanim.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Iniulat ni KBP President Herman Basbaño, ang Oplan Broadcastreeing ay patunay na hindi lamang pag-uulat ang ginagawa ng mga miyembro ng “fourth estate” ngunit tumutulong din sa pangangalaga sa kapaligiran.

Una ng nagsagawa ang KBPAlbay chapter ng aktibidad sa dalawang bayan sa lungsod . - Jun Fabon