Hangad ng Pilipinas na maipamalas ang estado bilang isa sa top-ranked team sa Southeast Asia sa tangkang pagdepensa sa titulo ng Philippine Peace Cup sa Setyembre 3 sa Rizal Memorial Stadium.

Ang apat na bansang torneo ay ang unang pagsabak sa aksiyon ng Azkals matapos ang nalasap na masaklap na 0-1 kabiguan kontra sa Palestine sa AFC Challenge Cup finals sa Maldives noong Mayo.

Muling makakaharap ng Azkals sa torneo, kung saan ay nakatuon si Azkals coach Thomas Dooley sa oportunidad na maidagdag ang sports sa koleksiyon, na maipakita ang malaking pagbabago sa koponan mula nang kanyang hawakan at turuan ang tropa.

Matatandaan na napagwagian ng Azkals ang ginanap na dalawang edisyon ng Peace Cup, kabilang ang nakaraang taon na lumarga sa Bacolod City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“There’s pressure (to perform well) because of our ranking (being No. 1 in Southeast Asia),” sinabi ni Dooley.

“But it’s a pressure we welcome,” dagdag nito.

Sisimulan ng Azkals ang kanilang kampanya sa Peace Cup sa Setyembre 3 kontra sa Chinese-Taipei. Kasunod ang karibal sa Southeast Asia na Myanmar sa Setyembre 6 bago tapusin ang kanilang asignatura sa muling pagharap sa Palestinians sa Setyembre 9.

Idinagdag ni Dooley na sinimulan nito ang paghahanda sa Azkals noong Agosto 18 at umaasang magiging maigting muli ang torneo sa bagong gawang makasaysayang Rizal Memorial Football Stadium.

Sasandigan ng Azkals ang goalkeeper na si Roland Muller, maging ang defender na si Rob Gier at ang midfielder na si Paul Mulders sa Peace Cup.

Ipinatawag din ang Denmark-based na si Jerry Lucena subalit hindi nakasagot dahil sa injury, gayundin si Javier Patino, na kabilang sa isang football club sa Thailand.

Ang Fil-Spanish defender na si Alvaro Silva na naglalaro para sa Kuwait ay naghihintay naman na makakuha ng Filipino passport habang hindi rin makalalaro ang Fil-German midfielder na si Mike Ott dahil magtatangka itong makasama sa isang koponan na nasa second division sa isang liga sa Germany.