KIDAPAWAN CITY – Magbibigay ng refund ang Therma Marine, Inc. (TMI), na subsidiary ng Aboitiz Power o ang pinakamalaking producer ng renewable energy sa bansa, sa mga consumer nito sa Mindanao kaugnay ng sobrang singil sa inaprubahang rate ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Saklaw ng refund, ayon kay TMI President-CEO Jovy Batiquin, ang kaibahan ng provisional rate na inaprubahan ng ERC at ang pinal, at mas mababang singil, na inaprubahan din ng komisyon.

Ayon kay Batiquin, ibabalik ng TMI ang P12.695 milyon sa mga Mindanao consumer sa pamamagitan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ire-refund ang mga nasingil mula 2010 hanggang 2011.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nagkasundo ang TMI at NGCP sa isang Ancillary Service Purchase Agreement (ASPA) sa pagitan ng nasabing mga taon, ayon kay Batiquin.

Batay sa utos ng ERC na may petsang Hunyo 14, 2014, sisimulan ang refund sa susunod na billing cycle, na aabutin ng P1.057 milyon kada buwan sa loob ng isang taon, at ang bawat consumer ay mababawasan ng P0.0015 per kilowatt hour sa kanilang buwanang electric bill. - Malu Cadelina Manar