Maaari bang magpagamot sa ospital na walang gastos kahit isang sentimo? Posible, ayon kay Dr. Israel Francis A. Pargas, vice-president at tagapagsalita ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), sa Social Health Insurance Education Series for Media sa Marco Polo, Meralco Avenue, Ortigas Center noong Miyerkules, Agosto 27.

Aniya, sa ilalim ng no balance billing (NBB), libre ang pagpapagamot ng mga indigent na tinukoy ng DSWD, mga sponsored at mga kasambahay, dahil sasagutin ito ng PhilHealth.

Kasabay nito, inihayag ni Dr. Alexander A. Ayco, miyembro ng PhilHealth Board, na kanilang itinataguyod ang ‘Bawat Pilipino - Miyembro, Bawat Miyembro – Protektado, Kalusugan Natin – Segurado,’ upang magpamiyembro ang lahat ng mamamayan.

“Sa P6.60 kada araw na hulog, maaari kang makatanggap ng hanggang P600,000 na pagpapagamot kapag nagkasakit,” pabatid ni Mr. Dennis Formadero, corporate planning officer ng PhilHealth.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente