FIBA Logo 2014

Gilas, uumpisahan na ang kampanya sa FIBA World Cup

Sa gitna ng kanilang kinakaharap na suliranin hinggil sa pagkuwestiyon sa “eligibility” ni naturaliazed center Andray Blatche para makalaro sa Incheon Asian Games sa susunod na buwan, nakatakda nang sumalang ang Gilas Pilipinas at umpisahan ang kanilang kampanya sa FIBA World Cup ngayong gabi sa Seville, Spain.

Nakatakdang makatunggali ng Gilas ang Croatia sa kanilang unang laban ngayong alas-6:30 ng gabi, oras dito sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pansamantalang isasaisantabi ng Gilas ang problema hinggil kay Blatche sa Asiad at magpopokus sa kanilang unang laban sa World Cup.

Nauna nang kinuwestiyon ng Asiad organizer ang eligibility ni Blatche kasama ang dalawang pang Fil-Am players ng Gilas na sina Gabe Norwood at Jared Dillinger.

Malinaw na ang eligibility nina Norwood at Dillinger kaya’t naiiwan na lamang ang kaso ni Blatche na habang sinusulat ang balitang ito ay iniaapela pa ng Philippine Olympic Committee (POC) kasabay ang pagpapakita ng mga kaukulang papeles at dokumento na magpapatunay na hindi sakop si Blatche ng sinasabing ruling hinggil sa eligibility ng isang naturalized player.

Kasama ng tatlo na makikipagsapalaran para muling mailagay sa mapa ng mundo sa larangan ng basketball ang ating bansa ang iba pang miyembro ng koponan na kinabibilangan ni Jean Marc Pingris, Junemar Fajardo, Jimmy Alapag, LA Tenorio, Ranidel de Ocampo, Gary David, Jeff Chan, Jayson Castro at ang bagong pasok na si Paul Lee na siyang ipinalit sa injured na si Larry Fonacier.

Pagkatapos ng Croatia, sunod na makakatunggali ng Gilas ang Greece sa Setyembre 1, ikatlo ang Argentina sa parehas ding petsa kung saan mayroon lamang itong pagitan na 21 oras dahil ganap na alas-2 ng madaling araw ang laban nila sa Greece at alas-11:30 naman ng gabi ang laban nila sa Argentina, lahat ay oras dito sa Pilipinas.

Kasunod nito, magkakaroon sila muli ng isang araw na pahinga bago sumalang kontra Puerto Rico sa Setyembre 3 ganap na alas-7:30 ng gabi at pinakahuli sa Seenegal kinabukasan-Setyembre 4 ganap na alas-8 ng gabi, oras pa rin dito sa bansa.