Nagbabala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa posibilidad na ang pondong nalilikom mula sa Ice Bucket Challenge na naging viral sa buong mundo para labanan ang amyotrophic lateral sclerosis (ALS) ay maaaring nagagamit sa “unethical” research.

Sinabi ni Villegas na walang masama sa pangangalap ng pondo para labanan ang ALS at maging sila ay suportado ito.

Gayunman, dapat aniyang tiyakin ng mga donor na ang naturang pondo ay hindi nagagamit para suportahan ang paggamit ng embryonic stem cells, na labag sa turo ng Simbahang Katoliko.

“As a pastoral guideline, we therefore urge those participating in the ice-bucket challenge and making donations to ALS research to make a clear and unequivocal declaration that their donation is made on condition that none of it is to be applied to research that involves the use of embryonic stem cells, in vivo or in vitro,” ani Villegas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nilinaw naman ng arsobispo na hindi niya pinipigilan ang mga tao sa paglahok at pagbibigay ng donasyon para sa ALS research subalit dapat munang tiyakin mula sa organizer ng challenge kung saan napupunta ang nalilikom na pondo.

“Catholics who participate in the challenge and who make donations to this research must also demand of fund-raisers and organizers an assurance that none of the donations made will be applied to researches that are ethically reproved,” anang CBCP official.

Nanindigan din si Villegas na ang embryonic stem cell research ay hindi salig sa kasagraduhan ng buhay dahil katumbas na rin nito ang aborsiyon.