Gerald and Shaina

LAST Saturday ay nagpamisa pa sa Sto. Niño de Tondo ang seryeng Niño ng GMA-7 bilang pasasalamat sa kanilang mataas na ratings sa pangunguna ni Direk Maryo J. delos Reyes kasama ang ilan sa mga pangunahing cast.

Narinig namin sa ilan sa cast na dahil matagumpay ang serye, maaaring tumagal pa ng ilang season ang programa. Ayon mismo sa isang staff na nakausap namin, maaaring sa December o sa January pa next year matatapos ang serye at baka itaon sa kapistahan ng mahal na patron naming mga taga-Tondo.

Kaya marami ang nabigla nang ipaalam sa kanila ng management na malapit nang mamaalam sa ere ang drama series.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon sa GMA insider na nakausap namin, wala namang magagawa ang pag-aalboroto ng ilan sa cast dahil desisyon iyon ng kanilang management.

“Ang isa sa talagang nalungkot, eh, si Angelu de Leon, sinabihan pa naman siyang kailangang magbawas pa ng timbang dahil maraming magagandang eksena pa siyang gagawin sa Niño at sesentro sa kanilang dalawa ni Miguel (Tanfelix) ang mga susunod na pangyayari,” sey ng spy namin.

Dagdag pa niya, hinayang na hinayang si Angelu dahil kung kailan siya nag-umpisa nang pumayat at hindi na nagkakain ng kanin ay saka naman mawawala na sa ere ang drama show nila.

Ayon pa sa source, ang pagbibidahang serye nina Jake Vargas at Bea Binene na Strawberry Lane ang ipapalit sa timeslot ng Niño.

Samantala, balita ring ilang linggo na lang ang itatagal ng katapat naman nitong seryeng Hawak Kamay na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Ang mag-uumpisa nang mag-taping na Nathaniel ang ipapalit sa naturang serye ng ABS-CBN.

Sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Pokwang, Benjie Paras at ang kadadagdag pa lang sa regular cast ng Hawak Kamay na si Lyca Gairanod ang mga bubuo ng cast ng Nathaniel.