Bagaman nahaharap sa pinakamahirap na situwasyon, pilit na ipaglalaban ni Team Philippines Asian Games chef de mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na mabigyang liwanag ang paglalaro para sa bansa ng naturalized player na si Andre Blatche.

Sinabi ni Garcia na bagaman malabo na base sa ipinadalang sulat ng isang mataas na opisyales ng Olympic Council of Asia, ipaglalaban pa rin nito ang pagkakasama ni Blatche sa pambansang koponan sa nakatakdang pagdalo nito sa Asian Games Delegation Registration Meeting sa darating na Setyembre 11 hanggang 12.

“We will give it our best shot,” sabi ni Garcia na siyang magpapatunay sa tradisyunal na DRM na kung saan ay isa-isang iniimbetigahan at ipinapinalisa ang komposisyon ng mga pambansang koponan na magpapartisipa sa torneo.

Ito ay matapos na sumulat mismo ang OCA na kinukuwestiyon ang kuwalipikasyon ng naturalized center na si Andray Blatche kasama ang dalawa pang miyembro ng Gilas Pilipinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinaalam ng Chinese OCA official ang matinding pagsunod at istriktong implementasyon nito sa Article 50 ng OCA Eligibility Code sa pagpapaliwanag nito kung bakit hindi makakalaro si Blatche sa 17th Asian Games.

Ang 6-foot-11 mula Syracuse, New York na si Blatche ay ngayon lamang taon nabigyan ng naturalization papers. Kasama naman ito ng koponan na nakatakdang sumagupa sa gaganaping FIBA World Championships sa Spain.