Umalis kamakalawa ang Incheon Asian Games bound na si Nark John Lexer Galedo kasama ang 7-11 Road Bike Philippines Continental Team upang sumabak sa dalawang matinding karera sa Tour of China.

Hangad nina Galedo, kasalukuyang nasa ika-43 puwesto sa natipong 53 UCI puntos, at Cris Joven na nasa ika-358 puwesto sa kanyang 2 UCI puntos na mapataas pa ang kanilang rankings para sa inaasam na makatuntong sa unang pagkakataon sa 2016 Olympics na gaganapin sa Rio De Janeiro sa Brazil.

Ang koponan ang natatanging Asian team, maliban sa host China, na naimbitahan sa karera.

Sasandigan naman ni Galedo ang prestihiyosong karera upang subukan ang kanyang kakayahan sa nalalapit na pagpadyak sa 17th Asian Games sa Setyembre 19 hanggang Oktubre sa pagsagupa sa de-kalibreng mga rider na mula sa Italy, Germany, Austria, Switzerland, USA at Australia.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Makakasama ni Galedo sa koponan ang dalawang reinforcement na sina Edgar Nieto at Angel Vazquez ng Spain at maging ang mga kasamahan na sina Joven at Ryan Cayubit.

Hindi naman nakasama sina Mark Bordeous at Dominic Perez sa koponan patungong China dahil sa problema nila sa dokumento at medical.

Ipinaliwanag naman ni Team owner Engr. Bong Sual at Director Rick Rodriguez na asam nitong mabigyan si Galedo ng kinakailangang speed test para sa sasabakan sa Asian Games na Individual Time Trial at massed starts ay hangad din nitong makakuha ng stage victory o makasama sa Top 10 ito.

“Masaya na kami kung mananalo ng isang lap o makasama kahit isang rider natin sa Top 10,” sinabi ni Sual sa kanyang koponan na makakasagupa ang 25 iba pang continental team.