Pinababawi ng pharmaceutical firm na GlaxoSmithKline ang 65 batch ng produktong eye drops nito dahil sa problema sa supplier mula Italy.

Sa isang advisory, sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na kabilang sa mga pinababawi sa merkado ay ang Eye-Mo Red Eyes Formula o Tetrahydrozoline HCI 0.05% Ophthalmic Solution matapos magpalabas ng kalatas ang Italian Medicines Agency (AIFA) sa hindi pagsunod sa good manufacturing practice (GMP) sa Societa Italiana Medicinali Scandicci (SIMS).

Ayon sa FDA, ang SIMS ay ang manufacturer ng Tetrahydrozoline HCI, ang aktibong pharmaceutical ingredient, na ginagamit sa paggawa ng Eye-Mo product ng GlaxoSmithKline (Tianjin) Co. sa China.

Ginagamit ang Eye-Mo laban sa pamumula ng mata o pangangati bunsod ng alikabok, usok, hangin, init ng araw, paglangoy at kulang sa tulog, ayon sa FDA.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Distributors, retailers, hospitals, pharmacies, or clinics that have the affected batches of or Tetrahydrozoline HCl 0.05% Ophthalmic Solution (Eye-Mo Red Eyes Formula) are instructed to discontinue further distribution, sale and use,” dagdag ng FDA. - Jonathan M. Hicap