LINGAYEN, Pangasinan – Muling magsasagawa ng serye ng chess clinics para sa mga kabataan ngayong huling quarter ng taon bilang bahagi ng sports development program ng probinsiya
Ayon kay Modesto Operania, Executive Assistant III at provincial sports coordinator, ang chess clinics ay magsisimula sa September 20-21 at 27 -28 sa Pangasinan Training and Development Center (PTDC) .
Binansagang “Gov. Amado T. Espino, Jr. Chess Clinic,” ang naturang training program para sa batang chess enthusiasts ay unang inuunsad noong 2009 sa pakikipagtulungan ng Pangasinan Chess League (PCL) para mapalawig pa ang skills ng players sa “game of wizards.”
Ayon kay PCL President Don Sison, ang chess clinics ay lalahukan din ng mga International Master na sina Haridas Pascua, Samantha Glo Revita, Cherry Ann Mejia, Giovanni Mejia at Dennis Guttierez III at iba pang Pangasinan players.
Matapos nito, idaraos naman ang 6th Gov. Amado T. Espino, Jr. Cup Open Chess Tournament sa Disyembre 26-28. (Liezle Basa Inigo)