Agosto 30, 1979 nang salakayin ng isang “killer rabbit” si dating United States President Jimmy Carter at lumaban siya gamit ang isang sagwan habang nangingisda sa Plains, Georgia.
Mag-isang nakasakay si Carter sa isang maliit na bangkang pangisda nang bigla siyang salakayin ng kuneho, na kalaunan ay lumangoy din palayo sa kanya.
Inilarawan ang hayop na nakalabas ang mga ngipin at nakataas ang ilong, sinabi ni Carter na mistulang may tinatakasang predator ang kuneho kaya napalangoy ito patungo sa kanyang bangka. Batay sa litratong kuha ng isang kawani ng White House, na nagpapakita kay Carter na nakaamba ang sagwan, matagumpay na naipagtanggol ng presidente ang kanyang sarili at hindi siya nasaktan.
Inihalintulad ng kanyang mga kritiko ang pagharap niya sa Iranian hostage crisis sa nasabing insidente ng “killer rabbit”.
Nagsilbi si Carter bilang pangulo hanggang noong Enero 20, 1981.