TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Dahil umano sa isang tawag ng isang concerned citizen ay naaresto ng pulisya, kasama ang Task Force Talakudong ng Philippine Army, ang apat na katao, kabilang ang isang barangay chairman, dahil sa pagbibitbit ng ilegal na armas sa Daang Alunan sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ali Bigkog y Ebus, 43, may asawa, chairman ng Barangay Zeneben sa Lambayong, na nakumpiskahan ng isang .45 caliber Colt pistol, at isang magazine na may siyam na bala; Martin Saikali y Salaman, 47, may asawa, ng Bgy. Zeneben, na nasamsaman ng isang .45 caliber Remington at isang magazine na may pitong bala; Basco Silongan y Sendad, 40, may asawa, ng Bgy. Barurao, Sultan sa Barongis, Maguindanao, na nakumpiskahan ng isang .40 caliber Smith & Wesson at dalawang magazine; at Datu Sepo Sulaiman y Baraguir, ng Bgy. Zeneben na nakuhanan ng .45 caliber Colt na may dalawang magazine. - Leo P. Diaz