HONG KONG (AFP) – Nagpahayag kahapon ng pagkabahala ang mga nakikipaglaban para sa demokrasya sa Hong Kong kasunod ng isinapublikong litrato ng mga sasakyan ng Chinese Army habang pumaparada sa isang pangunahing kalsada, na kinondena ng estado bilang pagpapakita ng “military might” ilang araw bago ang inaasahang malawakang kilos-protesta.

Nasa apat na armored personnel carrier ng People’s Liberation Army (PLA) ang ipinarada noong Huwebes malapit sa mga abalang rehiyon ng Jordan at Yau Ma Tei sa lungsod, iniulat ng pahayagang Apple Daily.

Ibinida ang mga military vehicle na may maiikling baril sa tuktok sa panahong matindi ang diskuntento ng semi-autonomous city sa anila’y labis nang pakikialam ng Beijing at sa harap ng umiinit na debate sa susunod na mamumuno sa estado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente