Tuloy ang suspensiyon kay Senator Jose “Jinggoy” Estrada kaugnay ng kinakaharap niyang kasong plunder sa Sandiganbayan bunsod ng P10 bilyong pork barrel fund scam.

Ito ay matapos ibasura kahapon ng Fifth Division ng anti-graft court ang motion for reconsideration ng senador dahil sa kawalan ng bagong argumento nito.

Sinabi ng korte na maliwanag na may probable cause ang nasabing kaso na naging batayan upang ilabas kamakailan ang 90-day preventive suspension laban kay Jinggoy.

Nauna nang igiit ni Jinggoy sa nasabing mosyon na nais lamang ng prosecution panel na mapagkaitan ng representasyon ang kanyang constituents.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ipinaliwanag din ng hukuman na walang sapat na batayan si Jinggoy upang baligtarin ng korte ang nauna nilang kautusang suspensiyon laban sa kanya.

Si Sen. Jinggoy nakakulong pa rin sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.