NEW YORK (Reuters)— Inaresto ang kapatid na babae ng mga akusadong Boston Marathon bombers sa New York City matapos pagbantaan ang isang babaeng nakaalitan na tatamnan ng bomba ang katawan nito, sinabi ng pulisya noong Miyerkules.

Si Aliana Tsarnaev, 23, kapatid nina Dzhokhar at Tamerlan Tsarnaev, mga suspek sa pambobomba sa Boston Marathon noong Abril 15, 2013, ay nahaharap sa kasong aggravated harassment, sinabi ng New York City Police Department.

Inaakusahan si Tsarnaev, ng North Bergen, New Jersey, na tinawagan ang isang babae sa Harlem neighborhood at sinabihang “I have people that can go over there and put a bomb on you.”

Kusang sumuko si Tsarnaev matapos tawagan ng pulisya, inaresto at pinakawalan din. Haharap siya sa pagdinig sa mga susunod na araw.
National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act