New York (AFP)– Ikinasa ni Maria Sharapova ang kanyang US Open third-round berth sa pamamagitan ng isang three-set victory kontra kay Alexandra Dulgheru habang patuloy naman ang pagsadsad ng US men’s players sa kanilang bakuran.

Si Sharapova, inangkin ang kanyang ikalimang titulo sa Grand Slam sa French Open noong nakaraang taon, ay lumaban upang makahabol mula sa isang set na pagkakabaon at talunin ang 95thranked Romanian na si Dulgheru, 4-6, 6-3, 6-2.

Ayaw namang isisi ng fifth-seeded Russian sa mahanging kundisyon sa Arthur Ashe Stadium ang kanyang mabagal na pag-uumpisa na kinabilangan ng 46 unforced errors. At matapos ang 2 oras at 26 minuto sa loob ng court, sa isang laro na nag-umpisa sa ilalim ng araw at nagtapos sa liwanag ng floodlights, nakuha niya ang ika-17 three-set win para sa season, ang pinakamarami sa WTA tour.

“It was difficult,” ani Sharapova. “Obviously the conditions were tough. You start in the sun, you finish under the lights.” “Overall I felt like in the end I was in much better shape than she was and I could have played another few sets. Mentally that helped me a lot.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Si Sharapova ang isa sa mga naging headliner, kasama sina Australian Open winner Stan Wawrinka at five-time Grand Slam champion Venus Williams, sa araw na sina two-time defending women’s champion Serena Williams at top men’s players Novak Djokovic, Roger Federer at Andy Murray ay nakapahinga.

Nakatapat ni Wawrinka, ang third seed mula Switzerland, si Thomaz Bellucci ng Brazil sa isa sa dalawang men’s second round matches na nakaiskedyul.

Nadismaya naman ang US fans dahil sa pagkakalaglag ng kanilang mga kababayan.

Ang first-round exits nina Steve Johnson at Ryan Harrison kahapon ay nangangahulugan na tatlong American men lamang ang umabante sa second round, ang pinakakaunti sa kasaysayan ng US Open.

Sina John Isner, ang 13th-seeded US number one, Sam Querrey at wildcard Tim Smyczek ay kapwa nakakuha ng second-round berths matapos manalo noong Miyerkules.