Kumbinsido si San Beda College Graduate School of Law dean Father Ranhillo Aquino na bagamat idineklarang sufficient in form ng House Committee on Rules, ay wala pa ring kahihinatnan ang tatlong impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Aquino, kontrolado ng mga kaalyado ng Pangulong Aquino ang Kongreso kaya’t tiyak na walang idedeklarang “sufficiency in substance” ang mga ito sa mga naturang impeachment complaint.

Ayon sa pari, sa simula pa lamang ay “doomed” o wala nang kahihinatnan ang paghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulo.

“As I said walang patutunguhan yan, there are grounds to proceed if only Congress were more fair, but wala. We know from the very start that those efforts are doomed,” ani Aquino, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Paliwanag pa ni Aquino, sa sandaling hindi pumasa sa sufficiency in substance ang tatlong impeachment complaint ay magkakaroon na ng immunity from impeachment ang Pangulo sa loob ng isang taon.

“I’m sure matatalo yan sa sufficiency in substance. By doing that the committee was entertaining the complaints and so the requirement of the constitution were fulfilled. So kapag dinismiss nila yan in basis of insufficiency in substance hindi na masasabi na hindi ini-entertain ng Committee ang reklamo. So he (PNoy) become immune sa kaso for one year,” aniya pa.

Itinakda ang susunod na impeachment hearing kaugnay sa sufficiency in substance sa Setyembre 2.