Ni BEN ROSARIO

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na handa na ang kapulungan na talakayin sa bicameral sessions ang panukalang batas na magbibigay ng libreng PhilHealth coverage sa mga senior citizen.

Ito ang tiniyak ni Belmonte matapos hilingin ni Manila Rep. Benny Abante sa Kongreso na iprayoridad ang nasabing hakbang.

Sinabi ni Belmonte na ang hakbang na magkakaloob ng full medical care benefits sa mga seniors citizen ay isa sa pinakamahahalagang panukala na pinagtibay ng Mababang Kapulungan sa unang sesyon ng 16th Congress.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isinusulong din nina Senators Teofisto “TG’ Guingona III at Ralph Recto ang panukala.

Sinabi ni Abante na posible ang panukala sa kabila ng mga agam-agam ng mga opisyal ng PhilHealth.

Sinabi ni Abante, pangunahing may-akda ng R.A. 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010), na ang pondo para suportahan ang PhilHealth coverage sa dumaraming senior citizens “should not be seen as a problem given that PhilHealth contributions will also be increasing over time as our labor force continues to grow together with our population.”

Batay sa mga pag-aaral, ang dami ng senior citizens ay inaasahang papalo sa 15 porsiyento ng populasyon pagsapit ng 2050. Ang populasyon ng Pilipinas ay inaasahang aabot sa 154,939,000 ngayong taon.

Ipinaliwanag ni Abante, chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement, na “with the county expected to be the world’s 16th biggest economy by 2050, PhilHealth need not worry about being unable to fund coverage for our country’s senior citizens.”

Sa kasalukuyan, ang PhilHealth ay nagkakaloob lang ng libreng coverage para sa indigent senior citizens o matatandang katutubo.

Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4593, na pinagsama ang lahat ng panukala sa mandatory PhilHealth coverage sa lahat ng senior citizens.