LUNGSod ng Makati, ang premyadong financial center ng bansa, ang pinakamahusay na lungsod habang ang daet sa Camarines norte ang pinakamahusay sa munisipalidad sa Pilipinas, ayon sa 2014 Cities and Municipalities Index (CMCI) ng national Competitiveness Council (nCC). Pagkatapos ng Makati City, ang top 10 cities ay ang Cagayan de oro, naga, davao, Marikina, Iloilo, Cebu, Manila, Valenzuela, at Paranaque. Kasunod ng daet ang general Trias, Cavite; Kalibo, Aklan; Carmona, Cavite; nabunturan, Compostela Valley; Lubao, Pampanga; Isulan, Sultan Kudarat; Polomolok, South Cotabato; Manolo Fortich, Bukidnon; at Taytay, Rizal.
Sa ikalawang taon nito, ang CMCI ay nagranggo ng 136 lungsod at 399 munisipalidad, na mas mataas mula sa 122 lungsod at 163 munisipalidad sa 2013 initial survey. Sinuri nito kung paano naging mahuhusay ang mga lungsod at munisipalidad sa larangan ng paggastos at kaginhawahan ng pagnenegosyo. Ang survey ay isang paraan upang himukin ang mga lokal na pamahalaan na regular na subaybayan ang mga datos at itala ang performance laban sa iba pang lungsod sa Southeast Asia upang mas mainam nilang pangasiwaan ang kanilang mga nasasakupan. Pinayuhan ang mga lokal na pamahalaan na magtulungan sa pagtataguyod ng mga lungsod ang munisipalidad na abot-kaya ang mga bilihin, madaling puntahan, katanggap-tanggap ang lipunan, banayad sa kalikasan, maaaring pamuhayan, at matatag sa anumang klima.
Ang taunang ranking ay dinebelop ng nCC sa pamamagitan ng nakolektang datos ng Regional Competitiveness Committees (RCC) na may pondong ayuda mula United States Agency for International development. Sinusukat ng nCC ang kahusayan ng lokal na pamahalaan gamit ang 28 indicator na nakagrupo sa talong magkakapantay na haligi: Economic dynamism, government Efficiency, at Infrastructure. Ang mga score ng bawat haligi ay pinagsasama-sama upang mabuo ang overall score na ginagamit sa pagraranggo ng mga lungsod at munisipalidad. natamo ng Makati City ang overall score na 53.242174, habang tumanggap ang daet ng 43.239109.
Naglagay ng score ang nCC sa economic dynamism base sa lawak at lago ng lokal na ekonomiya, kapasidad na makapaglaan ng mga trabaho, cost of living, ang kaginhawahan ng pagnenegosyo at pananalapi, produktibidad, at presentia ng mga organisasyong pangnegosyo at pang-propesyonal. Ang score na para sa infrastructure ay sinusukat gamit ang datos sa kasalukuyang reoad network, public transport, ICT connections, mga ATM, distansiya ng mga lungsod o munisipalidad sa mga pangunahing daungan, imprastraktura sa kalusugan at edukasyon, pasilidad na panturismo, at mga pangunating utility. Government efficiency naman ay nakabase sa datos sa transparency scores, economic governance scores, pagbubuwis, lokal na competition-related awards, kahusayan sa pagrerehistro ng negosyo, investment promotion, pagtalina sa mga pambansang direktiba at seguridad.
Ang national Competitiveness Council, na isang public-private task force na pinamumunuan ni department of Trade and Industry Secretary Gregory L. Domingo bilang chairman at ni businessman Guillermo M. Luz bilang co-chairman, ay nagtataguyod ng pangmatagalang kahusayan at nagkikintal ng isang kultura ng kagalingan sa pamamagitan ng mga reporma sa polisiya, pagtatatag ng mga institusyon, pagmomonitor ng performance at pagtatakda ng mga layunin upang makatulong sa pagpapababa ng kahirapan sa pamamagitan ng malawakang paglago.