Magtatayo si Manny Pacquiao ng isang boxing institute sa China at naniniwala na ang bansa ng 1.4 bilyong mamamayan ay kayang mag-prodyus ng professional world champions.

Sinabi ni Pacquiao noong Miyerkules na nakipag-partner siya sa isang Chinese company at sa Chinese government para magtayo ng isang institute sa kanyang pangalan, na naglalayong maibahagi ang kanyang karanasan na nagbigay sa kanya ng walong world titles.

Nagsalita siya sa Shanghai kung saan ipino-promote niya ang kanyang laban sa Nobyembre 22 kay Chris Algieri para sa WBO welterweight title sa Macau.

Dedepensahan niya ang kanyang welterweight crown na napanalunan niya noong nakaraang taon kay Timothy Bradley, na bumawi sa kanyang pagkatalo noong 2012.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Pacquiao, 35, na ang Manny Pacquiao Boxing Education Institute ay magsisimula sa Beijing “and the plan is for the whole of China.” - The Associated Press