Tinanggal sa puwesto ng Office of the Ombudsman si South Cotabato municipal treasurer Samuel Sunico sa kaso ng pamemeke ng official receipts at kabiguang i-account ang mahigit P700,000 public funds.

Sinabi ng Ombudsman na nakasaad sa narrative report ng Commission on Audit (COA) na lumalabas sa cash at count examination na si Sunico ay nagkaroon ng total cash shortage na P717,812.79 mula Nobyembre 27, 2007 hanggang Hunyo 17, 2008.

Ipinakita rin ng records na pineke ni Sunico ang official receipt ng gobyerno upang palabasin sa duplicate at triplicate copies na P30 lamang ang ibinayad, ngunit sa katunayan ipinakikita ng original copy ng receipt na ang Dole Philippines, Inc. ay nagbayad ng mahigit P344,000 buwis.

Bukod sa pagkakatanggal sa serbisyo, nahaharap din si Sunico sa mga kakabit na parusa ng kanselasyon kanyang eligibility, retirement benefits, at habambuhay nang pagbabawalang humawak ng anumang posisyon sa government service. - Jun Ramirez
National

Bagyo sa kanluran ng Palawan, posibleng pumasok sa PAR – PAGASA