Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ng tinaguriang “pork barrel scam queen” na si Janet Lim-Napoles na i-subpoena o ipaharap sa hukuman ang mga bank account ng whistleblower na si Benhur Luy.

Benhur LuyPaliwanag ng Sandiganbayan First Division na walang sapat na batayan ang panig ni Napoles upang maimbestigahan ang salapi ni Luy sa bangko.

Bukod kay Luy, hiniling na rin kamakailan ni Napoles sa korte na masilip din ang bank accounts ng mga magulang ni Luy na sina Arthur at Gertrudes at dalawa pang whistleblower na sina Maria Suñas at Marina Sula.

Ginamit na dahilan ng hukuman, saklaw na ng bank secrecy law ang bank records ni Luy kaya hindi ito maaaring silipin, maliban na lamang sa mga sumusunod na apat na kondisyon:

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dapat may written permission mula mismo sa may-ari, kung ito ay usapin ng impeachment case, kung iutos ng isang competent court na dumidinig sa kasong panunuhol sa isang public official at kung ang perang pinag-uusapan ay saklaw ng kasong kasalukuyang dinidinig

Sinabi ng anti-graft court na sa kasalukuyang sitwasyon, ang kaso ay tungkol sa umano’y milyun-milyong nakulimbat ni Napoles sa pakikipagkutsabahan sa ilang mambabatas sa pork barrel fund at walang kinalaman sa personal na salapi ni Luy.