JERUSALEM (AFP)— Isinara ng Israel ang lugar sa paligid ng Quneitra sa okupadong Golan Heights noong Miyerkules matapos isang opisyal ang nasugatan sa stray fire sa pagtatangka ng mga rebeldeng Syrian na makontrol ang tawiran.

Sinabi ng UN peacekeeping force na nagbabantay sa armistice line na ilang mortar rounds ang tumama malapit sa kanilang posisyon nang lusubin ng mga rebelde, kabilang na ang ilan mula sa Al-Qaeda affiliate Al-Nusra Front, ang mga tropa ng gobyerno.

“From what we know, opposition forces overran the Syrian regime forces on the Syrian side of the Quneitra crossing, some of those including the Al-Nusra Front, which ultimately leaves the crossing in the opposition forces’ hands,” sabi ni Israeli army spokesman Lieutenant Colonel Peter Lerner sa AFP.

Sinabi niyang mayroong “extensive fighting” sa bahagi ng Syria sa ceasefire line simula noong Miyerkules.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinumpirma ng UN Disengagement Observer Force na patuloy ang matinding bakbakan sa lugar.